The Art of Letting go...
"How do I start to live my life alone?..guess I am learning..learning the art of letting go.."
This may sound too melancholic...pero ganoon talaga eh...kung minsan dumarating sa buhay natin na kailangan nating magparaya...kailangan nating bitawan ang mga bagay na alam nating mahalaga para sa atin...hindi dahil sa hindi natin ito kayang ipaglaban ngunit,..kahit ano pa man sigurong pagpipilit natin upang ito'y manahan ay wala na ring patutunguhan...mahirap ipaglaban ang taong sa una pa lamang ay wala ng lakas upang sa iyo ay manatili...
Masakit..oo pero kinakailangan..hindi mo naman masasabing hindi mo kaya ang mabuhay, na hindi kapiling ang mga taong napalapit na rin at naging bahagi na ng buhay mo...alam mo yon, naging kasama mo siya sa anumang pagsubok na napagdaanan mo, kasabay mong tumawa, nagbiro, umiyak, nagalit, at nag-alala...ngunit hindi sa lahat ng oras ay maaring naandyan sa tabi mo upang saluhan at higit sa lahat saluhin ang iyong buhay...darating talaga ang sandali na magkakanya-kanya kayo ng landas patungo sa kung saan...
Mahirap magparaya, ngunit sa paraang ito, marami kang matutunan at mapaghuhugutan ng lakas ng loob upang mas mapatatag ang inyong sarili, masakit pero mas magiging bukas ang iyong isipan na wala talagang permanenteng bagay sa mundo kundi ang salitang "pagbabago".
0 Comments:
Post a Comment
<< Home